Subscribe Us

‘River Warriors’, dokumentaryo ni Sandra Aguinaldo, ngayong Sabado sa ‘I-Witness’

 

I-Witness: River Warriors
Host: Sandra Aguinaldo
Airing Date: Aug 7, 2021

 

 

Matapos ng bagyo, sa panahon ng habagat, ilang tao ang puspusang kumakayod para linisin ang maruruming estero ng Pasig at San Juan.  Sa Baseco beach sa Maynila, abala rin ang ilan sa pagpupulot ng tambak na kalat na dinala ng ulan at alon. Lahat ng klase ng basura ay pinupulot nila–plastic bottles, sirang tsinelas, Styrofoam food container, lumang kasangkapan, pati na rin patay na hayop.

Si Angelita Imperio, nagsimula bilang isang volunteer noong 1997 sa programang Piso para sa Pasig ni dating First Lady Ming Ramos. Kalaunan, naging malaking parte na ng buhay niya ang paglilinis ng mga estero at maruming pampang ng Baseco.  Nakapagtapos ng kursong Education si Angelita pero hindi nakakuha ng board exam dahil na rin sa kahirapan. Lublob man sa burak o napalilibutan ng gabundok na basura, ipinagmamalaki pa rin niya ang pagiging isang river warrior kahit pa maituturing itong isa sa pinakamaruming trabaho. Kuwento niya, nakapagpatapos siya ng anak sa kolehiyo dahil sa trabahong ito.  Para kay Angelita, dedikasyon sa pangangalaga sa kalikasan ang isa sa mga dahilan kung bakit nananatili siyang isang river warrior.  Bago mag pandemya, tinuturuan niya ang mga bata sa kanilang lugar kung paano maglinis sa tapat ng kanilang bahay.  Batid kasi niya, kailangang matutunan ng bagong henerasyon ang kahalagahan ng pagtatapon ng basura sa tamang lugar.

 

Ngayong Sabado sa I-Witness, lulusong si Sandra Aguinaldo sa itinuturing na isa sa pinakamaruming estero sa bansa para samahan ang mga taong gumagawa ng trabahong hindi kayang sikmurain ng iba.  Abangan ang “River Warriors” sa I-Witness ngayong Sabado, August 7, 10:15pm sa GMA.

 

English Translation

During the monsoon season, after a typhoon hit the country, a group of people are busy clearing the trash floating in the tributaries of Pasig and San Juan.  On Baseco beach, a few men and women are also picking up sack loads of garbage that has been washed ashore. They are faced with the tough job of picking up the filth indiscriminately left by others –from plastic bottles, discarded slippers, Styrofoam food containers, broken appliances and furniture, even dead animals.

Angelita Imperio began as a volunteer in 1997 in a river clean-up program by former First Lady Ming Ramos called “Piso para sa Pasig”.  Eventually, cleaning the river and the beach of Baseco has become a huge part of her life.  Angelita has a degree in Education but due to poverty, she was unable to take the board exam.  Submerged waist deep in a river of garbage or surrounded with trash, Angelita says she is still proud of being a river warrior.  Some may consider this to be one of the filthiest jobs to have but she says she was able to put her eldest child through college because of this. Angelita says her dedication to the environment is one of the reasons she remains a river warrior.  Before the pandemic, she is teaching kids in her area how to clean outside their homes and instill in them the value of disposing trash responsibly.

This Saturday in I-Witness, Sandra Aguinaldo wades into what is considered to be one of the dirtiest tributaries in the country to join those who toil in a job that is unbearable for most people. I-Witness: “River Warriors” airs this Saturday, August 7, 10:15pm on GMA.#


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento