Subscribe Us

Rizal parricide case, sisiyasatin sa ‘Imbestigador’

 

RODRIGUEZ, RIZAL PARRICIDE CASE

Sa pagganap nina Polo Ravales at Lara Quigaman

June 4, 2022 Sabado 4:45pm pagkatapos ng Wish Ko Lang

 

Kamakailan, viral sa social media ang isang karumal-dumal na krimeng nangyari sa Barangay San Isidro, Rodriguez, Rizal.

Nakunan ng CCTV camera ang isang lalaki na bigla na lamang nagwala sa gitna ng kalsada. Ilang sandali pa, nahagip ng camera ang ginawang paghambalos ng lalaki sa isang batang lalaki. Naisugod pa sa ospital ang biktima pero sa kasamaang palad, tuluyang binawian ng buhay ang bata. Kalaunan, nalamang sariling anak pala ng suspek ang biktima.

Ano ang kuwento sa malagim na krimen at ano ang nagtulak sa suspek para brutal na patayin ang sariling anak?

Tutukan ang mga detalye sa kasong ito sa pagganap nina Polo Ravales at Lara Quigaman sa Imbestigador ngayong June 4, 2022, Sabado 4:45 ng hapon pagkatapos ng Wish Ko Lang sa GMA.



Rizal parricide case, sisiyasatin sa ‘Imbestigador’
Source: Senyora News

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento