Subscribe Us

‘Hapag: Mga kuwento ng ani at huli,’ ngayong Linggo sa Reporter’s Notebook

 

 

 

HAPAG: MGA KWENTO NG ANI AT HULI

REPORTER’S NOTEBOOK ELECTION SPECIAL

LINGGO / 9:15PM SA GTV

 

Sa kanila nagmumula ang pagkain sa ating mga hapag at sila ang nagbibigay serbisyo at mga pangunahin nating pangangailangan. Pero hanggang ngayon, nananatili pa rin silang pinakamahirap na sektor sa ating lipunan.

 

 

Sa kainang ito sa malabon, bida ang iba’t-ibang seafood recipe. Nakabilao ang specialty nila rito tulad ng baked tahong, garlic butter shrimp, at chili crab. Pwede ring matikman ang best seller nila na sweet & sour lapu-lapu. Pero bago malasap ang sarap ng mga putaheng ito, matinding hirap ang pinagdaraanan ng ating mga mangingisda.

 

 

Tulad na lang ng araw-araw na ginagawa ng magkapatid na Ronel at Daryl. Dating OFW si Ronel pero kinailangang umuwi ng Pilipinas nang magsimula ang pandemya. Para kumita, bumalik siya sa pangingisda.

 

 

Mas marami pa raw sana silang huli kung may maayos silang kagamitan gaya ng mas malaking bangka at makina. Bukod sa problema sa gamit, dagdag pasakit rin sa kanila ang patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina. Halos wala na raw natitira sa kanilang kinikita.

 

 

Sa Manila bay naman, nag-aani ng tahong ang senior citizen na si tatay Sagani. Para makatagal sa ilalim ng tubig, gumagamit siya ng compressor. Lima hanggang anim na oras sa laot ang tinatagal niya para manisid ng tahong.

 

 

Halos limang dekada nang sumisisid si tatay Sagani pero hanggang ngayon hindi pa rin sila maka-ahon sa hirap. Sa datos ng Philippine Statistics Authority, pinakamahihirap na sektor sa pilipinas ang mga magsasaka at mangingisda.

 

Ganito ang matagal na problema ng mga Aeta na magsasaka ng ube at iba pang gulay sa Porac, Pampanga. Ang mga marginalized sektor tulad nila, hindi nararating ng ilang basic services. Hindi rin nakapag-aral ang karamihan sa kanila kaya may mga pagkakataong niloloko sila sa presyo o binabarat ng mga bumibili.

 

Taong 2018, naisipan ng grupo ni Chef Christopher na tulungan ang mga magsasaka sa Pampanga. Sila na mismo ang kumukuha ng mga produkto sa bundok.

 

 

Isa sa mga sinusuplayan nila ay ang negosyo ng pamilya ni Maureen. Ang isa sa kanilang specialty — kakaning suman na may buco at ube o subucobe.

 

 

Sa restaurant nina chef Rolando at chef Jackie Laudico, matitikman ang iba’t-ibang masasarap na putahe. Ang ginagamit nilang sangkap na mga prutas at gulay, nabili nila mula mismo sa mga magsasaka.  Rescue buy ang tawag nila sa direktang pagbili sa mga magsasaka ng mga ani nilang gulay at prutas sa halagang hindi sila agrabyado o presyo na hindi palugi.

 

Ang non-government organization group na Rural Rising PH ang nagsu-supply ng mga prutas at gulay kina chef laudico. Binibili ito ng grupo sa mga lugar kung saan pahirapan ang pagtransport o di kaya naman ay may oversupply ng mga aning produkto.

Sa 1987 Philippine Constitution, itinakda ang pagkakaroon ng representasyon ng mga marginalized at unrepresented sectors. Ito’y para mabigyan prayoridad ang mga panukalang batas na makatutulong sa kanila pero tila hindi raw ito nangyayari. Sa pag-aaral ng Kontra Daya, sa 177 na tumatakbong partylist ngayong Eleksyon 2022, 44 ang kontrolado ng political clans, 23 ang may koneksyon sa malalaking negosyo, 37 ang may dubious o kaduda dudang adbokasiya, 32 ang may koneksyon sa gobyerno at military at 21 ang may pending court cases.

Abangan ang HAPAG: MGA KWENTO NG ANI AT HULI, REPORTER’S NOTEBOOK ELECTION SPECIAL sa bago nitong araw Linggo, May 8, 2022 9:15pm sa GTV.

 



‘Hapag: Mga kuwento ng ani at huli,’ ngayong Linggo sa Reporter’s Notebook
Source: Senyora News

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento