Subscribe Us

Mga negosyong swak sa tag-init, ibibida sa ‘Pera Paraan”

Pera Paraan
Mga Negosyong Swak sa Panahon ng Tag-init!

Date of Airing: March 26, 2022

Kilalanin ang mga negosyong hit na hit sa panahon ng tag-init!

 

 

Naniniwala ba kayo na kapag mahaba ang pila sa isang tindahan siguradong masarap ang binebenta rito? Totoo iyan para sa calamares ng mag-asawang Rowena at Paolo! Taong 2003 nang simulan nila ang negosyo nila sa puhunang 1,000 pesos. Dahil sa haba ng pila, kumikita na sila ng 20,000 pesos bawat araw!

 

 

Nagsimula rin sa puhunang 1,000 pesos ang negosyo ng mag-asawang Myra at Jommel. Ito na lang kasi ang natitirang pera nila sa bangko. Noong November 2020, sinimulan nila ang Hallo Mango business ng iba’t ibang flavored ice desserts. Dinagdagan pa nila ito ng Korean dessert na bingsu! Pasok na pasok sa summer!Refreshing din ang business nina Dave at Maricris dahil ang samalamig na alam natin, binigyan nila ng paandar twist! Para itayo ang kanilang negosyo, humiram sila sa mga kamag-anak at kaibigan ng puhunang 80,000 pesos. Nagbunga naman ito at may pumapasok sa kanila na halos 35,000 pesos bawat linggo.

 

Kaya laging tandaan, pera lang iyan, kayang-kayang gawan ng paraan! Abangan iyan tuwing Sabado 10:45 ng umaga sa GMA!



Mga negosyong swak sa tag-init, ibibida sa ‘Pera Paraan”
Source: Senyora News

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento