Subscribe Us

Mga kuwento at tips tungkol sa bike-packing , itatampok sa Brigada!

 

BRIGADA

Airing: February 19, 2022

BIKE-PACKING

Noong pumasok ang pandemya, mas dumami ang tumangkilik sa bisikleta bilang alternatibong paraan ng transportasyon. Pero para sa vlogger at bike wanderer na si Xzar, biking na ang kanyang way of life. Sa pamamagitan ng kanyang bisikleta, iba’t ibang mga lugar sa Pilipinas ang kanyang nararating, backpacker-style! Marinduque, Camarines Norte, Benguet — ilan lang ito sa mga probinsyang napuntahan na niya dahil lang sa kapapadyak! Ilang bike-packing tips ang ibinahagi ni Xzar kay Raffy Tima.
During the pandemic, more people use bicycles as an alternative means of transportation. But for vlogger and bike wanderer Xzar, biking is her way of life. With the help of her bike, she is able to reach different places in the Philippines, backpacker-style! Marinduque, Camarines Norte, Benguet – these are just a few of the provinces she has already visited! Xzar shares some bike-packing tips with Raffy Tima.

 

 

MGA MATA NI MARGA
Para sa murang edad ni Marga na tatlong taong gulang, hindi birong pagsubok na ang kanyang nararanasan. Si Marga kasi ay mayroong crouzon syndrome, isang kondisyong taglay na niya mula noong siya’y ipanganak at nagreresulta sa pagluwa ng kanyang mga mata. Sa kabila nito, nananatili siyang bibo at masayahin gaya ng ibang mga batang kaedad niya, at ngayo’y naghahatid ng good vibes sa kanyang Tiktok videos. Nasaksihan ni Kara David ang katatagang taglay ng batang si Marga.
At a young age, three-year-old, Marga is such a brave warrior. She is suffering from crouzon syndrome, a condition she had since she was born that results to extreme bulging of her eyes. Despite this, she remains bubbly and cheerful like other kids her age, inspiring many through her Tiktok videos. Kara David witnesses the resilience of young Marga.

 

PINOY INVENTIONS
Dahil sa pananalasa ng Bagyong Odette, wala pa ring kuryente hanggang ngayon ang tahanan ng 16 taong gulang na si Kyle sa Southern Leyte. Sa kabila nito, nakalaya sila sa dilim, salamat sa naimbento niyang D-I-Y wind turbine. Gamit ang elesi ng isang lumang ceiling fan, binutingting niya ito at ngayo’y nakapagbibigay na sa kanila ng kuryenteng nakapagpapailaw sa kanilang bahay. Patunay lang ito na malaki ang potensyal at abilidad ng  Pinoy inventors lalo na kung diskarte ang pag-uusapan. Nakilala ni Saleema Refran si Kyle at iba pang mahuhusay na inventors na maipagmamalaki natin.
After Typhoon Odette ravaged some parts of Visayas and Mindanao last December, 16-year-old Kyle of Southern Leyte was also deprived of electricity in their home. This paved the way for him to invent a D-I-Y wind turbine. He assembled an old ceiling fan that provided them light and hope.

Saleema Refran meets Kyle and other brilliant Filipino inventors.

 

 

Samahan ang premyadong mamamahayag at laking-Brigada Siete na si Kara David sa pagtutok sa mga bagong kwento’t bagong karanasan at sa patuloy na pagbabantay sa mga isyu ng bayan kasama ang bagong henerasyon ng mga mamamahayag ngayong Sabado, 9:50 ng gabi, sa iisang Brigada sa GTV.
Join award-winning and homegrown Brigada Siete journalist Kara David as she shares new stories, new perspectives, and the rundown on the latest issues in society together with a new generation of reporters this Saturday, 9:50pm in Brigada on GTV.

 

 

 

 

 

 



Mga kuwento at tips tungkol sa bike-packing , itatampok sa Brigada!
Source: Senyora News

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento